DZMM Light Moments Draws To a Close

If I'm not mistaken, I began to take part in Light Moments some 10 years ago. The host, Fr. Jerome Marquez, wanted me to be around as a resource for its Bible segment every third Saturday of the month. 

It's unfortunate that ABS-CBN had to fold up, in the time of Pandemic, when we need more truthful news and quality religious programs that the station was known for. 

We will just have to wait then when the "Lord will crush the rod of the Tyrant" (cf. Isaiah 14:5).

The post here from the website of ABS-CBN.

Add caption

Sa huling pagkakataon, nasubaybayan ng mga tagapakinig ng TeleRadyo ang “Light Moments” at “Salitang Buhay” nitong Sabado.

Tigil na sa pag-ere ang dalawang religious programs bunsod ng kinahaharap ng ABS-CBN sa kawalan nito ng prangkisa na nagdulot ng pagkakatanggal sa trabaho ng maraming empleyado.

Itinampok sa mga naturang programa ang mga pagninilay sa salita ng Diyos at iba’t ibang balita ukol sa religious community.

Pinasalamatan ni Fr. Jerome Marquez, SVD ang himpilan sa pagkakataong maging bahagi ng “Light Moments”, na mapanonood noon tuwing Sabado ng gabi.

“Maraming salamat sa ABS, DZMM sa pagtitiwala… na nagbigay ng pagkakataon na maipahayag ang mabuting balita sa paraang buhay at paraang magaan sa kalooban,” ayon sa pari.

Nagpasalamat din ang iba pang hosts ng ‘Light Moments’ sa pagkakataong makapagsilbi sa publiko.

“Mami-miss ko ’yong pagkakaibigan at samahan… Nakapagpahayag ako ng kagandahan at kabutihan ng pagmamahal ng Diyos,” ani Sr. Maru Padre Juan.

Pagbabahagi naman ni Sr. Eden Panganiban: “Hindi lang mga tao talaga kundi ’yong espiritu ’yong diwa bilang pamilya, ’yon ang na-experience ko tuwing darating ako sa studio.”

Nagwakas na rin ang pang-Linggong programang “Salitang Buhay”na binubuo nina Marquez, Fr. Bel San Luis, SVD, at Sr. Ilsa Reyes.

“Sa 37 years ng aming programang ‘Salitang Buhay’ o ‘Word Alive’, kami ay nakakamit ng CMMA award for ‘Best Counseling Program’… Maraming-maraming salamat...” ani San Luis.

ABS-CBN kawalan sa religious community

Para kay Fr. Randolf Flores, SVD, Bible scholar at rector ng Sacred Heart Parish Shrine sa Quezon City, ang pagpapahinto sa operasyon ng Kapamilya network ay isang malaking kawalan sa aniya’y new evangelization.

“Ang spirituality na ginampanan nila, I think wala na sigurong ibang big network na kasinggaling ng ABS-CBN sa new evangelization na tinatawag,” ani Flores.

Ayon naman kay Marquez, ang mga mananampalataya ang lubhang apektado sa nawalang religious shows ng DZMM.

“Ang dami nang religious programming na ginawa ng DZMM at alam ko mami-miss ito ng mga mananampalataya because that’s not simply news and entertainment, talagang may puso ng pamilyang mananampalataya ang DZMM, that I will miss.”

Sa huli, dalangin ng mga anchor na muling makabalik sa ere ang network para maipagpatuloy nito ang paglilingkod sa bayan.

“Bahagi ng buhay namin ay itinaya na namin sa DZMM, sa ‘Salitang Buhay’ at ‘Light Moments.’ Hindi lang kami nagtaya ng buhay, nagbahagi rin kami ng buhay sa inyo at salamat sa inyong pagtanggap. Sasamahan namin kayong patuloy sa ating paglalakbay sa pagpapalalim at sa pagiging tunay na mga alagad ni Kristo na kumikilos sa pagbabangon ng ating pamilya, pamayanan at bansa,” ani Marquez.

Pagtatapos ni San Luis: “Nagpapasalamat kami at palagi akong nagdadasal na sana ang ABS-CBN at DZMM ay maibalik uli ang kanilang prangkisa at dahil dito, baka maibabalik din kami dito sa aming mga programa.”

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Comments